Dalawang tagumpay ang sabay na naiuwi ni Bearonica Leth Castro sa nakaraang Organization of Student Services Educators, Inc. (OSSEI) National Conference on Campus Journalism and 5th Writing Competition na ginanap sa Tagaytay City. Pebrero 4.
Nagwagi sa unang pwesto si Castro sa Editorial Writing na may temang ‘Impunity’ at nasungkit naman nya ang ikaapat na pwesto sa Dev Comm Writing.
DOUBLE WIN. Castro seen competiting seriously (above)and OSSEI Administrators awards her effort |
Isa si Castro sa napiling kinatawan ng Pacesetter, ang opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral ng Bulacan State University, sa naturang patimpalak.
36 unibersidad mula sa iba’t-ibang panig ng bansa kabilang ang mga estudyante ng Far Eastern University at University of the Philippines sa mga nakalaban ni Castro.
Taunang paghahasa sa husay at talento ng mga estudyanteng mamamahayag ang layunin ng 0SSEI, kasama rin si Rey Langit sa nasabing kompetisyon bilang guest speaker.
Ang respetadong mamamahayag ng Central Luzon na si Ben Domingo ang naging hurado sa dalawang kategoryang napanalunan ni Castro.
"“Overwhelming ‘yong pakiramdam na nanalo ako sa dalawang kategorya to think na nationals pa ‘yon. Malaki pasasalamat po sa Pacesetter s’yempre kasi kung ‘di dahil sa kanila, ‘di ko naman makukuha ‘to," ani Castro.
No comments:
Post a Comment