Inihalal na bagong Student Government (SG) President si Julius Dado mula sa College of Information and Communication Technology (CICT) sa Bulacan State University (BulSU), Pebrero 24.
Nagkamit ng 5,627 votes si Dado na kabilang sa partidong Alliance of Students for Action and Progress (ASAP) laban kay Robin Del Pilar ng Partido Demokratikong Mag-aaral (PDM) na nakuha naman ng 5,212 votes.
“Maaasahan nila mula sa akin ang serbisyong malinis at totoo. Dadalin natin ang BulSU tungo sa mas payapa at mas maayos na estado,” ani Dado.
Samantala, win by default naman ang nagyari kay Sha De Jesus mula PDM sa pagka-bise presidente dahil wala itong kalaban.
2 senador din mula sa ASAP ang nagwagi, at 3 naman mula sa PDM. Hawak pa din ng huli ang mayorya sa Local Student Government (LSC) seats dahil karamihan sa mga nanalo dito ay mula sa nasabing partido.
“Positive ako sa naging resulta ng eleksyon. I have nothing against PDM, pero mas appropriate kasi ang vision ng ASAP na BulSUan muna bago iba, na hindi lahat ng problema kailangan pag-usapan sa kalsada,” komento ni Elmar Cundangan mula Journalism 3A.
Naganap ang opisyal na proklamasyon ng mga bagong SG officers nitong Pebrero 27.
No comments:
Post a Comment