Ang nasabing koneksyon ay nakalaan din para sa pagkakalat ng mga mensahe at anunsyo ukol sa pamantasan. Ayon kay Louie de Guzman, isang kinatawan ng SMART communications, ang pangunahing layunin ng nasabing SIM card ay para manatili ang koneksyon ng pamantasan sa mga mag-aaral nito.
"Kapag may and accurate announcement, diretso na sa inyong phone," sabi niya. Kahit ang mga hindi subscribers ng SMART ay makatatanggap din ng mga anunsyo galing sa pasadyang BulSU SMART SIM.
Simula pa noong panahon ng BUlSU President Rosario Pimentel, naging napakamatulungin ng SMARTCommunications sa pamamagitan ng pagbibigay nito ng SMART wireless connection laboratory na ginagamit ng mga estudyante ng College of Electronics and Communications Engineering.
Samantala, ang temang ‘BulSU @ 107: Academic Excellence through Social Responsibility and Linkages’ ay inanunsyo sa paunang seremonya nito na nagpapatunay na ang layunin ng pamantasan ay pangasiwaang mabuti ang panlipunang responsibilidad sa kinabukasan ng mga mag-aaral, kasabay ng pagpapalawak nito sa buong mundo na may lumalaking koneksyon. (medyo baduy last part)
Binigyang-diin sa talumpati ni Dr. Danilo Hilario, BulSU Vice President for Planning, Research, and Extension, na ang century-old academe ay napagtagumpayan sa pamamagitan ng mga pagsubok. “We have triumphantly gone through all the challenges," sabi niya.
Samantala, Ang University President Mariano de Jesus ay nagpahayag ng pakiusap sa mga estudyante, “Ang hiling ko lang sa mga estudyante ay itanim nila sa kanilang mga isipan ang salitang exccellence upang ang lahat ng kanilang gagawin ay maging excellent.”
Ang isang linggong selebrasyon ay nagtapos sa paghihipan ng kandila, pagsasalu-salo ng anniversary cakes at pagpapailaw ng mga paputok bilang simbolo sa masayang pagdiriwang ng kahusayan.
No comments:
Post a Comment