Kampeonato sa ikaapat na pagkakataon ang muling inangkin ng Bulacan State State University (BulSU) Football Team matapos pauwiing talunan ang kanilang mga nakalaban sa nakaraang State Universities and Colleges Athletic Association (SCUAA), Disyembre 21
Buong lakas na sinipa sa pagkatalo ng mga BulSUan ang apat na unibersidad na kanilang nakatunggali nang magtala sila ng kabuuang 43 goals, dahilan para masungit ang tropeo sa apat na araw ng kompetisyon.
Walang nagawang puntos ang Philippine Merchant Marine Academy sa unang pagsabak sa laban nang salubungin sila ng tambak na iskor ng BulSU, 13-0.
Hindi rin nakaligtas sa bangis ng nagwaging Football Team ang Nueva Ecija University of Science and Technology at Tarlac State University sa iskor na 6-2 at 16-0, pabor sa BulSU.
Kahit isang puntos ay wala ring natikman ang Central Luzon State University matapos paluhain ng BulSU sa huling araw ng kompetisyon, 8-0
“Train hard, play easy, ‘yan ang motto ng team,” ani BulSU Football Team coach Emmanuel Robles.
No comments:
Post a Comment