Tuesday, March 20, 2012

4th Media Summit ng CAL, Isinagawa ni Katherine Mae Corbillon


CATALYST OF CHANGE. Steve Dailisan (left) of GMA Network graced the symposium to share his views and opinion about the Media serving as the prime catalyst for social awareness. (Right picture, L-R: Dr. Bonifacio Cunanan, Dean Victor Ramos, Steve Dailisan, Yolanda Villavicencio and Florentino Pineda)

Muling isinagawa ng Kolehiyo ng Artes at Letras (CAL) sa ika-apat na pagkakataon ang Media Summit na ginanap sa Bulacan State University ( BulSU) Hostel Function Hall, bilang bahagi ng pagdiriwang ng linggo ng kanilang kolehiyo, Pebrero 16.

Ito ay may tema na “MassMedia as Catalyst in Uplifting Social Awareness of the Filipinos,” na inorganisa ng CAL faculty teachers na sina Yolanda Villavicencio mula sa Departamento ng Ingles at Sir Pineda mula sa Departamneto ng Filipino.

Ang ilan sa mga kilalang mamahayag na nagpaunlak ng pagdalo ay si Salvador Royales, tagapagpahayag sa isang radyo at Steve Dailisan ng GMA News TV. Hindi naman pinalad na makarating ang isa sa sikat na mamahayag na si Arnold Clavio, na isa sa mga naimbitahan na makibahagi sa nasabing seminar.

 “Nanghihinayang ako dahil hindi nakarating si Sir Arnold Clavio, kasi inantay ko talaga siya, siyempre kasi diba magaling na brodkaster yun. Pero magaling din naman yung ibang speaker,” ani ni Elmar Cundangan ng 3a-Journalism.

Sa kabilang banda upang mas lalo pang palawigin ang kaalaman ng mga estudyante ng maskom sa pamamahayag, nag-organisa rin ang CAL ng seminar kung saan ang sikat na manunulat na si Ricky Lee ang naimbitahan maging tagapagsalita, na ginanap rin sa BulSU Hostel Function Hall.

No comments:

Post a Comment