Madaming depekto kaya mura.
Kapalit ng ‘murang’ tuition fee na binabayad mo ay ang ‘di mabilang na sakit ng ulo; mula sa kulang na gamit at classrooms hanggang sa bulok na sistema ng enrollment. Tanggapin natin, mahirap na bansa lamang tayo kaya naman nahihirapang tustusan ng gobyerno ang bawat pangangailangang dapat sana ay nabibigay sa mga mababang pamantasan.
Kamakailan ay na-aprubahan na ang inaasahang solusyon sa problema ng enrollment system sa Bulacan State University; ang LAN-based system kung saan ay malo-localize na ang assessment process na unang hakbang upang makapag-enroll. Ngunit ‘tila yata ang solusyong ito ay repleksyon pa din ng limitadong galaw ng unibersidad patungo sa pag-unlad dahil sa kakulangang pinansyal.
Kung ikukumpara ito sa ibang pamantasan na ‘di hamak ay may mas malaking badyet at mas mahal na tuition fee, ito na yata ang pinakamababang solusyon sa problema. Patunay itong may kapalit ang murang halagang binabayaran mo.
Mahina ang LAN-based system. Kakambal na nito ang ‘di mabilang na problemang maaaring pagdaan kung sakaling mapatupad nga ito. Una na dito ang pagkakaroon ng system-related problems at hacking prone features kung saan ay delikadong mapasok ng illegal ang sistema ng nasabing machineries. Dagdag pa dito ay malaking gagatusin sa pagbili ng mga kakailanganing equipments upang magamit ang nasabing sistema. Sa huli, kung titingnan, hindi epektibong solusyon ito kung isasa-alang alang ang gastos.
Isa pa, mawawala nga ang pila sa assessment, lalala naman ang sa cashier at sa registrar. Maliban na lamang kung ang dating windows ng assessment ay gagawin na ‘din windows ng cashier upang kahit papaano ay mabawasan ang haba ng pila. ‘Yon nga lang, may pila pa din.
Mahinang solusyon man ang unang susubukan ng administrayon, paunang hakbang na din ito sa pag-unlad. Kung maiiwasan ang mga nabanggit na depekto sa sistema, maaaring maibsan ang problema sa matagal at mahirap na proseso ng enrollment sa unibersidad.
Kailangang magtiis kapalit ang murang halaga.
No comments:
Post a Comment