Maraming mag-aaral mula sa Kolehiyo ng Artes at Letras ang nadismaya sa Exposure trip na inilunsad ng kolehiyo sa apat na sulok ng Maynila, Enero 24.
Muling nagsagawa ang Kolehiyo ng Artes at Letras ng exposure trip na kung saan ay makakatulong sa 3rd year student ng Broadcasting at Journalism na maghanap ng maaaplyan nila sa kanilang On-the-Job training [OJT] sa darating na bakasyon.
Tumungo ang mga mag-aaral sa Coconut Palace, Atlas Publishing, GMA studio, at Resort’s World. Maraming estudyante mula sa Journalism ang umasa ngunit nabigo sa puntahan ang publishing company katulad ng Philippine Daily Inquirer na kung saan ay ang mga broadcasting major ang pumunta roon.
DISMAYADO NGA BA? Ang klase ng BAJ 3A (left) sa harap ng GMA Network. Broacasting majors (above) sa Atlast publication.Nabaliktad nga ba ang iternary? |
Ayon kay Gng. Yolly Villavicencio, kaya raw ang broad major ang pumunta roon ay dahil sa iyon ang kasama n’ya sa bus. Kailangan daw kasi siya ang pumunta roon upang magsilbing representative ng ating unibersisdad gayundin ng ating kolehiyo i-endorso ang mga mamahayag mula sa journalism major.
Samantala, hindi naman sinang-ayunan ng ibang estudyante sa pamamahayag ang sinabing iyon ni Gng. Villavicencio. Bukod daw kasi roon ay hindi rin nasunod ang mga lugar na dapat puntahan at hindi dapat.
“ Hindi kami nasiyahan sa exposure trip kasi hindi naman kami nakapunta sa ineexpect naming lugar na pupuntahan, katulad ng PDI [Philippine Daily Inquirer] at saka hindi rin kasi talaga nasunod ‘yong iterenary and magara pa ro’n parang hindi related sa course naming ‘yong pinuntahan, para ngang pang-tourism,” ani Raphael Gatuz mula sa AB Journalism 3A.
No comments:
Post a Comment