Tuesday, March 20, 2012

2 BulSUan wagi sa 4th Colors of Life Cocolife Ni Bearonica Leth Castro



Nag-uwi ng parangal sina Love Joie Delos Santos at Renz Marrione Bautista, kapwa Fine Arts students mula sa College of Fine Arts and Architecture, nang tanghalin silang runner ups sa 4th Colors of Life Cocolife Students’ Visual Arts Competition na ginanap sa Makati, Disyembre 15. 

Ang ‘Emergence of a Hero’ ni Delos Santos at ‘Tribyut’ ni Bautista ay parangal sa mga makabagong bayani ng ating bansa; ang Overseas Filipino Workers (OFW). Base sa tema ng nasabing kompetisyong ‘Modern Day Heroes’, ipinakita ng dalawa ang kanilang perspektibo tungkol sa mga OFWs. 

Samantala, nasungkit naman ni Alfredo Martinez mula sa Polytechnic University of the Philippines ang unang pwesto dahil sa kanyang ‘Everyone can be a Hero’ at ang ikalawa naman ay inuwi ni Froilan Pastrana Jr. mula sa Technological University of the Philippines dahil sa obrang ‘Patungo’; Sila ang sinundan sa pwesto nina Delos Santos at Bautista.

Madami nang napanalunang national competition ang dalawa kaya naman naging malaking tulog ito upang mahasa ang kanialng talento. Tulad na lamang nitong nakaraan kung saan ay pareho ‘din silang nagwagi sa Petron’s National Art Competition at Philippine National Oil Company Art and Calendar.

“Iniisip ko na lang na dapat matapos ko na agad ‘yon baka kasi ‘di na ko buhay sa susunod an araw. Basta pag gumawa ka, hangga’t maaari sana ay gawin nang mabuti,” ani Delos Santos.

Nag-uwi ang dalawa ng tig-15,000php at Personal Accident Insurance na nagkakahalaga naman ng 250,000php.

Dado, waging SG President ni Bearonica Leth Castro




Inihalal na bagong Student Government (SG) President si Julius Dado mula sa College of Information and Communication Technology (CICT) sa Bulacan State University (BulSU), Pebrero 24.

Nagkamit ng 5,627 votes si Dado na kabilang sa partidong Alliance of Students for Action and Progress (ASAP) laban kay Robin Del Pilar ng Partido Demokratikong Mag-aaral (PDM) na nakuha naman ng 5,212 votes.

“Maaasahan nila mula sa akin ang serbisyong malinis at totoo. Dadalin natin ang BulSU tungo sa mas payapa at mas maayos na estado,” ani Dado.

Samantala, win by default naman ang nagyari kay Sha De Jesus mula PDM sa pagka-bise presidente dahil wala itong kalaban.

2 senador din mula sa ASAP ang nagwagi, at 3 naman mula sa PDM. Hawak pa din ng huli ang mayorya sa Local Student Government (LSC) seats dahil karamihan sa mga nanalo dito ay mula sa nasabing partido.

“Positive ako sa naging resulta ng eleksyon. I have nothing against PDM, pero mas appropriate kasi ang vision ng ASAP na BulSUan muna bago iba, na hindi lahat ng problema kailangan pag-usapan sa kalsada,” komento ni Elmar Cundangan mula Journalism 3A.

Naganap ang opisyal na proklamasyon ng mga bagong SG officers nitong Pebrero 27.

CAL night, matagumpay na isinara ang CAL week ni Grecelle Lagman


   ROCK AND ROLL. Masayang nagsipanik sa stage halos lahat ng estudyante
ng CAL upang sabay sabay  sumayaw at makisaya sa gabi ng selebrasyon.
                                                                                                     Photo by: Beiah Castro

Hindi maikakailang naging masaya ang pagdiriwang ng College of Arts and Letters Week (CAL) sa pagsasari nito sa night na ginanap sa Bulacan Hiyas Convention Center, Pebrero 17.



Sa temang ‘A Taste of Rock’, binuhay ng mga estudyante ang 70s at 80s Rock and Roll Era sa pamamagitan ng kanilang mga kasuotan at karakter noong gabing iyon.

Napagdesisyunan ang nasabing tema base na din sa online voting na ginawa sa facebook.

\
Maliban sa nasabing pagdiriwang at pagsasara ng CAL Week, ilang awardings din ang ginanap bilang pagbibigay pugay sa talento at achievements ng Broadcasting, Journalism, Theater Arts, at Creative Writing students. Ilan nga dito ang awarding ng Journalism student achievers, Sine Bulacan State University awarding, Best in Thesis awarding, at marami pang iba.

Bida naman sa gabing iyon ang nagwagi bilang Best Male and Female Rockstar of the Night na sina Charles Dela Cruz at Noorjan Karsil, kapwa Broadcasting Students.

“Masayang masaya ‘yong night na ‘to. Iba siya compared sa mga nakaraang taon, iba kasi ‘yong vibe. Siguro nadala na ‘din ng rockstar theme. Masaya talaga, lalo na n’ong sayawan na,” ani Jesson Lagman ng BAMC 2A.

Malaki ang pasasalamat ng buong kolehiyo sa lahat ng suporta at tumangkilik sa buong CAL Week. 

Journalism student, kampeon sa National Writing Competition ni Arna Catel Coronel





Dalawang tagumpay ang sabay na naiuwi ni Bearonica Leth Castro sa nakaraang Organization of Student Services Educators, Inc. (OSSEI)  National Conference on Campus Journalism and 5th Writing Competition na ginanap sa Tagaytay City. Pebrero 4.

Nagwagi sa unang pwesto si Castro sa Editorial Writing na may temang ‘Impunity’ at nasungkit naman nya ang ikaapat na pwesto sa Dev Comm Writing. 

DOUBLE WIN. Castro seen competiting seriously
(above)and OSSEI Administrators awards her effort
Isa si Castro sa napiling kinatawan ng Pacesetter, ang opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral ng Bulacan State University,  sa naturang patimpalak.

36 unibersidad mula sa iba’t-ibang panig ng bansa kabilang ang mga estudyante ng Far Eastern University at University of the Philippines sa mga nakalaban ni Castro.

Taunang paghahasa sa husay at talento ng mga estudyanteng mamamahayag ang layunin ng 0SSEI, kasama rin si Rey Langit sa nasabing kompetisyon bilang guest speaker.
Ang respetadong mamamahayag ng Central Luzon na si Ben Domingo ang naging hurado sa dalawang kategoryang napanalunan ni Castro.

"“Overwhelming ‘yong pakiramdam na nanalo ako sa dalawang kategorya to think na nationals pa ‘yon. Malaki pasasalamat po sa Pacesetter s’yempre kasi kung ‘di dahil sa kanila, ‘di ko naman makukuha ‘to," ani Castro.


Solusyon sa pahirapang enrollment; BulSU LAN-based system ikakasa na ni Bearonica Leth C. Castro




Matapos maitala ang pinakamalalang enrollment nitong nakaraang semestre, inaprubahan na ng Bulacan State University (BulSU) Board of Reagents (BOR) ang magsisilbing paunang solusyon na Local Area Network-based (LAN-based) enrollment system proposal na sisimulang gamitin sa darating na Hunyo.

Sa pamamagitan ng Board Resolution No. 57 series of 2011, ang nasabing sistema ay ipatutupad sa pagbubukas ng panibagong academic year sa unibersidad ayon mismo kay BulSU President Mariano de Jesus.

“Ang instruction ko, by hook or by crook ay ngayong June gagamitin na natin ito [LAN-based enrollment] para hindi na magkagulo [sa enrollment].”

Sa ilalim ng sistemang ito, bawat kolehiyo ang magkakaroon ng isang computer na konektado sa Assessment Office kung saan ay ma-lo-localize na ang proseso ng assessment kapag enrollment. Hindi tulad ng dati kung saan ay lahat ng enrollees ay sabay-sabay pang pumipila sa limang windows lamang ng nasabing opisana na siyang nagiging dahilan ng mahahabang pila at matagal na proseso ng pag-e-enroll.

“That [LAN-based enrollement] will be good, less stressna para sa aming mga estudyante. But the administration has to make sure that this will work. Baka kasi kapag na-implement na ay magdulot pa lalo ng gulo,” komento ni Hope Laganao, fourth year Electric Engineering student.

Ugat ng problema

Mula sa naging malaking pagbabago na naitala noong 1st sem kung saan ay 70% improvement rate sa enrollment, bumagsak ito sa pinakamalalang sitwasyon na siyang nagdulot ng umaapaw na reklamo mula sa mga estudyante.

Isa lang sa mga reklamong naibato sa administrasyon at maging sa Student Government (SG) body ay ang magulong patakaran sa mga gates ng unibersidad; kung anong oras ito magbubukas upang magpapasok ng mga nagnanais pumila ng maaga.

“Inagahan ko para mauna kasi alam ko six ng umaga nagbubukas ang mga gate, tapos nagulat na lang ako nag-text  sa aking ang kaklase ko 4:30 AM pa lang daw pala nagbukas na ng gates. Nahuli tuloy kami sa pila, ilang arawko tuloy binuo ang enrollment,” igit ni Peter John Servilla, third year Biology Student.

Paliwanang naman ni Security-in-Chief Enrique Balane na sumusunod lamang sila sa tinatawag nilang Standard Operating Procedures (SOP) kaya naman may araw kung saan 6 AM sila nagbubukas ng gates, at may araw na mas maaga pa. Sinusunod lamang nila ang kanilang SOP kapag 6 AM sila nagbubukas, samantalang kapag mas maaga naman ay ibig sabihin daw nito ay may memo na nagmula sa administrasyon. Ngunit hindi naman daw kasi araw-araw na nagbaba ng nasabing memo, kaya wala silang magagawa kundi ang sumunod sa kanilang SOP.

Isa pang problemang kinaharap ng mga estudyante ay ang magulong ticket numbering system para sa Cashier at Assessment offices.

“Napakahaba ng pila lalo na sa assessment. Ang naging siste tuloy naubos ang isang araw namin para sa pagpila dito kasi sobrang dami ng pumipila, ang dami pang sumisingit kaya hindi umuusad. Pang-gulo pa ‘yang numbering, kasi may mga nakakuha na pala ng numbers kahapon , pa’no naman ‘yong hindi alam na nagpamigay pala kahapon?” reklamo ni Nica Entreso na isang Nursing student.

Samantala, pilit naman dumipensa si SG President Brian Carpio ang naging problema.

“Sa assessment kasi no’ng una napakagulo ng pila. Nakaabot hanggang 3rd gate kaya namahala na kami (SG) sa pagna-number. Tinulungan rin kami ng mga organizations natin dito kaya mas napadali ang assistance,”

Anomalya sa gitna ng gusot
Maliban sa mga naging problema sa mismong sistema ng nakaraang enrollment, isang kontrobersya naman na kinasasangkutan ng dalawa gwardiya ang nakilahok sa gulo.

Nahuli sina Joe Enriquez at Nicanor Cortez, guards ng 3rd gate, na nagbebenta ng ticket number sa halagang 50 pesos.

“Magulang ‘yong nag-report sa’min na may guards na nagbebenta ng ticket, guards ng third gate. Sinabi ko agad sa HR (Human Resource) and sa Chief ng guards. No’ng imbestigahan, dalawa nga ‘yong magkasabwat no’n,” ani Carpio.

Agad inaksyunan ng kinauukulan ang nasabing pangyayari, natanggal agad sa trabaho ang dalawang sangkot dahil sa pagiging fixers na mariing ipinagbabawal ng unibersidad.

“Actually, kinausap ko sila, siguro dala ng pangangailangan kaya nila ‘yon nagawa,” paliwanag ni President de Jesus tungkol sa insidente.

Dagdag pa ni Vice President for Finance Evangeline Custodio, “Hindi natin tino-tolerate ang mga gano’ng aksyon. Kung mayro’ng complaints ang mga estudyante, iparating nila sa admin at aaksyunan ‘yan, basta may basis ang allegations.”

Ipinahayag naman ng IRRA agency, kung saan kabilang ang mga nasabing gwardiya, na huawag naman sana maging repleksyon ng buong agency ang kasalanan ng iilan.

LAN-based: epektibo o panggulo?

Ayon kay VP Custodio, maaring magkaroon ng maraming depekto ang nasabing proseso. Mahabang proseso pa ang pagdadaan ng pagbili ng mga kagamitang kakailanganin; kabilang na dito ang mga kable at hardware systems. Dagdag pa niya, ang pondo ng nasabing proyekto ay magmumula sa mga income-generating projects ng BulSU, katulad ng renta mula sa Graceland Inc.

“Approved pa lang ito [LAN-based], pero we’re doing our best para ma-LAN na nga kaya lang it will be needing time bago ito magamit,” ani Custodio.

Ayon din kay SG President Carpio, hindi maikakailang hindi ligtas ang LAN sa system related problems tulad na lamang ng weak security system at hacking prone features na kasalukuyan namang pinag-aaralan at susubukang maiwasan ng Management Information System ng unibersidad. Ito ang dahilan kung bakit matagal bago ma-aprubahan ang nasabing proposal mula ng maipasa ito taong 2009.

Kung sakali man daw na hindi pa magamit ang naturang sistema sa darating na hulyo, balik sa dating proseso ng enrollment ang mga estudyante.

Journalism Students bumida sa CAL night ni Sharmaine Abaro




Tila isang pagbawi ang ginawa ng Kolehiyo ng Artes at Letras(CAL) ng kanilang bigyan ng karangalan ang ilang mag-aaral ng Journalism III-A(BAJ III-A) na isinabay sa Night ng Kolehiyo sa Hiyas Convention Center,February 17,2012.



Matapos masawi sa ipinangakong tarpaulin,binigyan ng pagkilala sina Archieval Mariano at Ann Lea Santiago kasama na rin si Sherwin Jalot’jot bilang pagkatawan sa Bulacan State University at maging sa CAL sa iba’t ibang patimpalak.


“Natuwa pa rin ako kahit pa’no.Kasi diba ang tagal na no’n tapos kumbaga ngayon lang kami binigyan ng pagkilala.Pero,thankful pa rin naman ako,’yon nga lang di na ga’nong masaya”,pahayag ni Lea.


Dalawa naman sa mga mag-aaral ng III-A ang hindi nabanggit sa gabing iyon,sina Arna Catel Coronel at Bearonica Leth Castro na lumaban sa (di ko kasi alam kung saan) sa kadahilanang hindi alam ng Kolehiyo na lumaban ang mga ito.


Samantala,nakamit ni Patrick Punzalan na mula rin sa BAJ III-A ang ikatlong pwesto sa Essay Writing Contest ng English Olympics bilang parte ng pagdiriwang ng Linggo ng Kolehiyo ng Artes at Letras noong February 15.

BulSU nagdiwang ng ika-107th foundation week ni Micah Jenessa Cruz


photo by: Grecelle Lagman


Bilang pagpapahalaga sa pagdiriwang ngayong taon ay ang pagbigay ng mga SMART SIM na magagamit lamang ng mga estudyante ng BulSU. Kapag aktibo na ang ang sim card, magkakaron ng libreng texts ang gagamit nito, at may lamang 30 php load kada linggo sa loob ng isang buwan. Kapag ang nasabing promo ay napaso(expired) na, pwedeng mag-apply ang user ng iba pang promos tulad ng pag-load ng 5php para magkarron ng unlimited texts sa isang araw, 10php sa dalawang araw, at 15php sa tatlong araw.

Ang nasabing koneksyon ay nakalaan din para sa pagkakalat ng mga mensahe at anunsyo ukol sa pamantasan. Ayon kay Louie de Guzman, isang kinatawan ng SMART communications, ang pangunahing layunin ng nasabing SIM card ay para manatili ang koneksyon ng pamantasan sa mga mag-aaral nito.

"Kapag may and accurate announcement, diretso na sa inyong phone," sabi niya. Kahit ang mga hindi subscribers ng SMART ay makatatanggap din ng mga anunsyo galing sa pasadyang BulSU SMART SIM.

Simula pa noong panahon ng BUlSU President Rosario Pimentel, naging napakamatulungin ng SMARTCommunications sa pamamagitan ng pagbibigay nito ng SMART wireless connection laboratory na ginagamit ng mga estudyante ng College of Electronics and Communications Engineering.

Samantala, ang temang ‘BulSU @ 107: Academic Excellence through Social Responsibility and Linkages’ ay inanunsyo sa paunang seremonya nito na nagpapatunay na ang layunin ng pamantasan ay pangasiwaang mabuti ang panlipunang responsibilidad sa kinabukasan ng mga mag-aaral, kasabay ng pagpapalawak nito sa buong mundo na may lumalaking koneksyon. (medyo baduy last part)

Binigyang-diin sa talumpati ni Dr. Danilo Hilario, BulSU Vice President for Planning, Research, and Extension, na ang century-old academe ay napagtagumpayan sa pamamagitan ng mga pagsubok. “We have triumphantly gone through all the challenges," sabi niya.

Samantala, Ang University President Mariano de Jesus ay nagpahayag ng pakiusap sa mga estudyante, “Ang hiling ko lang sa mga estudyante ay itanim nila sa kanilang mga isipan ang salitang exccellence upang ang lahat ng kanilang gagawin ay maging excellent.”

Ang mga opisyal ng gobyerno ng Bulakan ay pinagpala ang nasabing pagdiriwang upang magpakita ng suporta para sa panibagong tagumpay na nakamit ng century-old university; ang Gobernador ng Bulakan Wilhemino Sy-Alvarado kasama ng mga alkalde ng mga lugar na kinatatayuan ng mga BulSU campuses na sina Kgg. Arnel Mendoza ng Bustos, Reynaldo San Pedro ng lungsod ng San Jose del Monte, Kgg. Patrick Neil Meneses ng Bulakan, Kgg. Angel Cruz Jr. ng Hagonoy, at Kgg. Christian Natividad ng lungsod ng Malolos.

Ang isang linggong selebrasyon ay nagtapos sa paghihipan ng kandila, pagsasalu-salo ng anniversary cakes at pagpapailaw ng mga paputok bilang simbolo sa masayang pagdiriwang ng kahusayan.

4th Media Summit ng CAL, Isinagawa ni Katherine Mae Corbillon


CATALYST OF CHANGE. Steve Dailisan (left) of GMA Network graced the symposium to share his views and opinion about the Media serving as the prime catalyst for social awareness. (Right picture, L-R: Dr. Bonifacio Cunanan, Dean Victor Ramos, Steve Dailisan, Yolanda Villavicencio and Florentino Pineda)

Muling isinagawa ng Kolehiyo ng Artes at Letras (CAL) sa ika-apat na pagkakataon ang Media Summit na ginanap sa Bulacan State University ( BulSU) Hostel Function Hall, bilang bahagi ng pagdiriwang ng linggo ng kanilang kolehiyo, Pebrero 16.

Ito ay may tema na “MassMedia as Catalyst in Uplifting Social Awareness of the Filipinos,” na inorganisa ng CAL faculty teachers na sina Yolanda Villavicencio mula sa Departamento ng Ingles at Sir Pineda mula sa Departamneto ng Filipino.

Ang ilan sa mga kilalang mamahayag na nagpaunlak ng pagdalo ay si Salvador Royales, tagapagpahayag sa isang radyo at Steve Dailisan ng GMA News TV. Hindi naman pinalad na makarating ang isa sa sikat na mamahayag na si Arnold Clavio, na isa sa mga naimbitahan na makibahagi sa nasabing seminar.

 “Nanghihinayang ako dahil hindi nakarating si Sir Arnold Clavio, kasi inantay ko talaga siya, siyempre kasi diba magaling na brodkaster yun. Pero magaling din naman yung ibang speaker,” ani ni Elmar Cundangan ng 3a-Journalism.

Sa kabilang banda upang mas lalo pang palawigin ang kaalaman ng mga estudyante ng maskom sa pamamahayag, nag-organisa rin ang CAL ng seminar kung saan ang sikat na manunulat na si Ricky Lee ang naimbitahan maging tagapagsalita, na ginanap rin sa BulSU Hostel Function Hall.

CAL students, dismayado sa Exposure Trip ni Rochelle Placino



Maraming mag-aaral mula sa Kolehiyo ng Artes at Letras ang nadismaya sa Exposure trip na inilunsad ng kolehiyo sa apat na sulok ng Maynila, Enero  24.

Muling nagsagawa ang Kolehiyo ng Artes at Letras ng exposure trip na kung saan ay makakatulong sa 3rd year student ng Broadcasting at Journalism na maghanap ng maaaplyan nila sa kanilang On-the-Job training [OJT] sa darating na bakasyon.
Tumungo ang mga mag-aaral sa Coconut Palace, Atlas Publishing, GMA studio, at Resort’s World. Maraming estudyante mula sa Journalism ang umasa ngunit nabigo sa puntahan ang publishing company katulad ng  Philippine Daily Inquirer na kung saan ay ang mga broadcasting major ang pumunta roon.

DISMAYADO NGA BA? Ang klase ng BAJ 3A (left) sa harap ng GMA Network.
Broacasting majors (above) sa Atlast publication.Nabaliktad nga ba ang iternary?
 
Ayon kay Gng. Yolly Villavicencio, kaya raw ang broad major ang pumunta roon ay dahil sa iyon ang kasama n’ya sa bus. Kailangan daw kasi siya ang pumunta roon upang magsilbing representative ng ating unibersisdad gayundin  ng ating kolehiyo i-endorso ang mga mamahayag mula sa journalism major.

Samantala, hindi naman sinang-ayunan ng ibang estudyante sa pamamahayag ang sinabing iyon ni Gng. Villavicencio. Bukod daw kasi roon ay hindi rin nasunod ang mga lugar na dapat puntahan at hindi dapat.

“ Hindi kami nasiyahan sa exposure trip kasi hindi naman kami nakapunta sa ineexpect naming lugar na pupuntahan, katulad ng PDI [Philippine Daily Inquirer] at saka hindi rin kasi talaga nasunod ‘yong iterenary and magara pa ro’n parang hindi related sa course naming ‘yong pinuntahan, para ngang pang-tourism,” ani Raphael Gatuz mula sa AB Journalism 3A.

Gold gears pinasiklab ang hampasan sa Lawn Tennis


SMASHING VICTORY. Baguhan man sa larong Lawn Tennis, napatrunayan agad
 ni Alvin Azarcon (above) na hindi dapat minamaliit ang mga nag-uumpisa pa lamang. 
Hindi nadepensahan ng Central Luzon State University (CLSU) at Tarlac State University (TSU) ang mga hampas na pinakawalan ng BulSU gold gears Men and women’s doubles, dahilan upang mabawi muli ang gintong medalya at mahirang bilang kampeon sa larong Lawn Tennis, Tarlac State University, Disyembre 16-21.

Pinatunayan ng baguhan na sina Alvin Azarcon at Ronell de Guzman na kayang kaya nilang hatakin pabalik ang korona laban sa Central Luzon State University (CLSU) men’s doubles, 8-6 ang naging resulta ng labanan kaya naman dali-dali silang umakyat sa unang pwesto upang ipagmalaki ang karangalang nakamit.

“Masaya ako kasi first timer ako tapos naibigay ko kaagad ang karangalan sa eskwelahan. Hindi ko alam kung maituturing ba ‘kong isang factor sa pagkapanalo ng team, pero para sa’kin naibigay namin ‘yong best namin sa training kaya kami nanalo,” ani Alvin Azarcon, isa sa mga manlalaro sa Men’s doubles.

Samantalang hindi pinagpawisan at nag-aatubili namang tinapos nina Maria Eloisa Bulan at Ronalisa Fontanilla ang laban sa Tarlac State University (TSU) sa iskor na 8-5. Pinatunayan nila na gold gears pa rin ang reyna pagdating sa Women’s doubles ng lawn tennis.

Ayon kay Ronalisa Fontanilla, “ Masaya kami kahit na parang hindi kami satisfied sa game kasi dalawa lang ‘yong nakalaban namin tapos ayon championship na. Ganunpaman natutuwa pa rin kami kasi kami ‘yong magrerepresent sa school natin para sa regional tournament”.

Hindi man pinalad sa men and women singles, labis pa rin kagalakan ng mga manlalaro gayundin ang kanilang mga tagasanay nang masungkit muli nila ang gintong medalya. Sa ngayon, patuloy pa rin ang pag-eensayo ng mga manlalaro para sa nalalapit na regional tournament na gaganapin sa Ilo-ilo City.

BuLSU Football Team nagpasiklab sa SCUAA ni Arna Catel Coronel

Kampeonato sa ikaapat na pagkakataon ang  muling inangkin ng Bulacan State State University (BulSU) Football Team matapos pauwiing talunan ang kanilang mga nakalaban sa nakaraang State Universities and Colleges Athletic  Association (SCUAA),  Disyembre 21

Buong lakas na sinipa sa pagkatalo ng mga BulSUan ang apat na unibersidad na kanilang nakatunggali nang magtala sila ng kabuuang 43 goals, dahilan para masungit ang tropeo sa apat na araw ng kompetisyon.

Walang nagawang puntos  ang Philippine Merchant Marine Academy sa unang  pagsabak sa laban nang salubungin sila ng tambak na iskor ng BulSU, 13-0.

Hindi rin nakaligtas sa bangis ng nagwaging Football Team ang Nueva Ecija University of Science and Technology at Tarlac State University sa iskor na 6-2 at 16-0, pabor sa BulSU.

Kahit isang puntos ay wala ring natikman ang Central Luzon State University matapos paluhain ng BulSU sa  huling araw ng kompetisyon,  8-0

“Train hard, play easy, ‘yan ang motto ng team,” ani BulSU Football Team coach Emmanuel Robles.

BulSU Badminton pumalo para sa Ginto ni Katherine Mae Corbillon


Muling sinungkit ng Bulacan State University (BulSU) Badminton team ang karangalan matapos itong mag-uwi ng anim na gintong medalya sa nakaraang State, Universities and Colleges (SUCs) III Olympics na ginanap sa Tarlac State University ( TSUO) Disyembre 16-17.


Sa men’s division, nagwagi sa unang pwesto sina Godigarion Pasakdal at Jope Cloe Bautista, matapos impalas ang kanilang husay sa paglalalro. Subalit hindi naman pinalad ang BulSU Badminton team sa larong singles nang angkinin ng Ramon Magsaysay Technological University ang unang pwesto sa katauhan ni Karl Angelo Ganabe.


Namayagpag naman ang BulSU team sa women’s division nang sungkitin nina Kathleen Blatbat at Joymie Fernando ang gintong medalya para sa doubles. Si Angelica Panotes  naman nag nagpakitang gilas sa singles kung saan nag-uwi ito ng pilak na medalya.

“Maganda ‘yong naging result ng competition kahit na may dalawang nalaglag[players]. But still we are the overall-champion. Most of my players did their best.”, ani Coach Anthony Antonio, BulSU Badminton team.

Sina Godigorio Pasakdal  at Joymie Fernando naman ng BulSU team ang itinanghal na kampeonado sa mixed doubles.

Dahil sa impresibo at dominanteng laro muling magpapakitang-gilas ang koponan ng BulSU Badminton team sa National level ng SUC Olympics na gaganapin sa Ilo-Ilo.

BulSU Sepak Takraw, dinomina ang SCUAA ni Sharmaine Abaro

Baon baon ang tiwala at galling sa isa’t isa, muling pinatunayan ng Bulacan State University (BSU) Sepak Takraw Team na karapat dapat silang hirangin bilang kampeyon sa naganap na State College and University Athletic Association(?) (SCUAA) sa Tarlac State University (TSU), December 16, 2011.

Ito na nag ika-sampung taon na dinomina ng BSU Sepak Takraw ang nasabing patimpalak.
Nakalaban at aminadong hindi sila (BSU Sepak Takraw) sa elimination round ang PhilSCA at DHAVTSU, samantalang pagdating ng Cross Over kung saan hinarap ng BSU ang Bataan Peninsula State University at TSU naman sa championship ay inaming na pressure at nahirapan ang mga ito (BSU).

Sa 1st regu ng championship, dalawang sets lamang ang nakuha ng BSU habang pagdating ng 2nd regu, umabot sa 3rd set ang laban ng mga ito (BSU) sa TSU na nagresulta naman sa iskor na ( para sa TSU at 15 sa BSU na siyang dahilan upang hirangin ito bilang kampeyonato.

“Natutuwa kami kasi yung consistency ng pagiging champion ay nandun pa rin, kasi ginagawa namin, nung mga bata, yung best naming para ditto (sa laro),” pahayag ni Mr. Raul Bernaldez, trainor ng grupo.

Bilang hinirang na kampeton, nag BSU Sepak Takraw Team ay lalaban muli para sa National SCUAA na gaganapin naman sa Iloilo City sa February 17-27.

BulSU Tankers muling pumaibabaw sa languyan ni Micah Jenessa Cruz

Muling naghari ang Bulacan State University Tankers at nag-uwi ng mga ginto sa pagdepensa ng ikalabing pitong pamamayagpag bilang kampeon ng BulSU Gold Gears sa taunang State Universities and Collges (SUC) Olympics sa Tarlac State University, Disyembre 16-21.
Nag-ahon ng 33 ginto, 13 pilak at 6 na tanso na may kabuuang  52 medalya ang BulSU Tankers na gumuhit ng malaking agwat sa 12 pang paaralang katunggali.

Lumambat naman ng pinakamaraming ginto si Michael Romiro Godoy pati na rin sa kanyang mga indibidwal na kategoryang nilahukan, kasama naman sina Rolando Pablo Godoy, Benedict Jason Lastrollo at Kendren Romeo Reyes sa paglangoy sa unang pwesto ng 4x100m Medley at 4x100m Relay.

“Natuwa ako sa nagging resulta na laro ko kasi hindi lang naman gold ang target ko, kundi pati na rin ma-break ‘yong record ko at nagawa ko naman,” ani South East Asia( SEA) Games bronze medalist, Michael Godoy.

Hindi rin nagpahuli ang mga Lady Tankers at nag-reyna sila sa Swimming Women Category.
“Nakita naman natin ang resulta ‘di ba? We deserved it because we labored it. Taon kung mag-practice ang mga atleta natin,” pahayag ni Dr. Racquel Mendoza, dekana ng College of Physical Education, Recreation and Sports (COPERS).

Masiglang sumagot ang kanilang coach na si Rafael Celso, dahil sa pupspusan nilang pagsasanay ay nagbunga ito ng magandang resulta na ipininagmamalaki niya.
“Syempre Masaya tayo kasi nagbunga talaga ng pinaghihirapan natin. ‘Yang mga batang iyan[Tankers] eh talagang determinado hindi lang basta manalo kundi malampasan pa ang kanilang record. Isa pa, tlento talaga nila ang nagdala sa kanila sa tagumpay,” pahayag ni Coach Celso.


SIR DINO





Walang pinakamahusay na guro kung 
hindi ang ating mga sariling karanasan.

Ito ang isinasabuhay ni G. Bernardino Balabo o mas kilala ng kanyang mga estudyante bilang Sir Dino. Ipinanganak  noong ika-20 ng Mayo, taong 1969 sa Hagonoy Bulacan.

Mula sa pagiging kolumnista at manunulat ng Mabuhay, Punto Central Luzon at The Philippine Star ay pinatunayan ni Balabo na ang galing sa pamamahayag ay nararapat ibahagi sa kabataan na nais sumunod sa kanyang mga yapak. Sa Kolehiyo ng Artes at Letras sa Bulacan State University sumabak sa larangan ng pagtuturo ang tinaguriang ‘One Man Army’.

Naging huwarang guro at kaibigan sa kanyang mga estudyante. Hindi nakapagtata na idolo sya ng kanyang mga mag-aaral na nais din pumasok sa pamamahayag sapagkat labis na nakikita ang kanyang dedikasyon dito


“Sobrang proud ako na prof ko si Sir Dino. Ang dami-dami nating natututunan sa kanya tuwing nagsheshare sya ng mga experiences nya sa field,” ani Sharmaine Abaro, isa sa kanyang mga estudyante.

Minulat din ni Balabo ang kanyang mga mag-aaral sa kasalukuyang estado ng mga pamamahayag upang pagdating ng panahon ay maging handa ang mga ito sa kahaharaping bagong mundo.

Nito ngang nakaraang Pebrero ay ginawaran ng pagkilala si Balabo sa kanyang natatanging husay sa pagtuturo ng kinabibilangang kolehiyo.

'Jack of all trades' siguro na maituturing si Balabo dahil sa pambihirang talento nya sa pagsusulat, pagluluto at pagiging mabuting asawa't ama. Minsan nya ng naikwento na sya mismo sa bahay nila ang tagapagluto, isa na rin daw itong paraan para mapagsilbihan nya ang kanyang pamilya.
Nagsisilbing pinakadakilang inspirasyon nya ang kanyang asawa na si Gng. Jocelyn Arce at ang kanyang anim na taong anak na si Bethany Eirene Balabo.

Sa kabila ng napakaraming trabaho ay pinipilit umano nyang maglaan ng oras para makasama ang kanyang pamilya ng mas madalas.

Isang hinahangaang propesor, mabuting ama't asawa at manunulat na gumagawa ng pangalan sa lahat ng artikulong nailalathala. Patunay lang na maaaring magsama-sama ang mga katangiang ito sa iisang tao.

Tunay ngang sa lalawigan ng Bulacan isinisilang ang mga pinakamagagaling na manunulat sa kasaysayan ng Pilipinas , at si Bernardino Balabo ay isang ebidensya rito.